Pagpatay sa Vice Mayor ng Aparri at 5 iba pa, kinondena ng VMLP-Cagayan Chapter

Mariing kinondena ng Vice Mayors League of the Philippines-Cagayan Chapter ang pagpatay sa bise alkalde ng Aparri at lima nitong kasamahan.

Base sa statement na inilabas ng VMLP-Cagayan Chapter, papunta umano si Vice Mayor Rommel Alameda at lima nitong kasamahan sa Maynila upang dumalo sa 27th Vice Mayors’ League of the Philippines National Convention sa Pasay City nang mangyari ang pananambang at pagpatay sa mga ito.

Ikanalungkot ng grupo ang pagkamatay ni Vice Mayor Alameda na kabilang sa kanilang Board of Directors.

Inilarawan nila ang nasawing bise alkalde na mabait at ginagampanan ng maayos ang kaniyang tungkulin ang serbisyo sa publiko.

Nanawagan ang mga ito sa mga law enforcement agencies na maaksyunan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng bise alkalde at matigil ang kahalintulad na krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *