Pagpupumilit ng ilang mga devoto ni Inang Peñafrancia na makapasok sa Naga City mula sa ibang parte ng Bicol Region, inaasahan na; dagdag na pwersa ng kapulisan, ilalatag

NAGA CITY- Malaking hamon sa lokal na pamahalaan ng Naga ang pagbalanse ng health protocols at pagpapanatili ng debosyon kay Nuestra Señora De Peñafrancia—Patrona ng KaBicolan.

Inaasahan nang LGU at Interagency Task Force na mayroong mga magpupumilit pumasok sa lungsod mula man ito sa ibang probinsya sa Bicol o maging sa labas ng rehiyon na nakaugalian nang tumungo sa Pilgrim City tuwing Peñafrancia at magsimba o manalangin, ang iba nais masilayan ng personal ang imahen, bagay na hindi madaling maipaliwanag at maunawaan ng iba.

Ayon kay Health Emergency Response Task Force Security Cluster Head PLt.Col Errol Garchitorena may ipinadala nang isang platoon ng kapulisan ang Regional Office 5 na makakatuwang ng PNP Naga sa pagbabantay sa mga simbahan at ilan pang pampublikong lugar. Bukod sa kanila asahang may darating pa habang papalapit ang mismong araw ng kafiestahan sa Sept. 18 hanggang sa Sept. 19, 2021.

Sinabi ni Mayor Nelson Legacion na nakahanda ang Incident Management Team sa pangununa ni PSO Executive Director Renne Gumba sa anumang magiging senaryo.

Bukod sa mga simbahan, pati mga business establishments, mga kainan pati mga inuman ay imomonitor, batid kase ng HERTF na may mga promo at na ino-ooffer kaya tiyak na marami rin ang tatangkilik hanggang sa baka hindi na masunod ang patatakan may kaugnayan sa pag-iingat sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *