Pagsampal sa Grade 5 student, walang kinalaman sa kanyang pagkamatay – PNP report

Kinumpirma ng Antipolo City Police na walang kaugnayan sa pagkamatay ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib ang sampal ng kanyang guro.

Ayon kay Antipolo City Police OIC Lt. Col. Ryan Manongdo, base ito sa interpretasyon ng forensic unit ng Rizal mula sa resulta ng autopsy ni Gumikib.

Ipinahayag din ni Manongdo na nagkaroon sila ng case conference noong Miyerkules ng hapon kasama ang pamilya ng biktima, at ipinaliwanag sa kanila ang resulta ng autopsy.

Bagama’t inalis ang guro sa reklamong homicide, posible pa ring magsampa ng reklamong child abuse laban sa kanya.

Sa ngayon, hinihintay pa rin ng Antipolo City Police na magsampa ng reklamo ang mga magulang ni Gumikib laban sa guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *