KUNG ang ibang mga dermatology clinic o beauty clinic ay may- kanya kanyang offer na anti- aging treatments kagaya na lang ng derma fillers, skin rejuvenation, chemical peels at marami pang iba, aba’y ibahin niyo ang isang massage parlor sa Francisco, USA dahil ang kanilang anti –aging treatment ay simpleng pagsampal- sampal lang naman sa mukha ng mga customers.
Ito ay para umano maging maganda at mawala ang mga wrinkles sa mukha ng isang tao, nakuha nila ang ideyang ito sa isang massage parlor sa Bangkok, Thailand kung saan ang bahagyang pagsampal umano sa mukha ang sikreto ng pagkakaroon ng baby face.
Sa kasamaang palad ang treatment na ito ay hindi para sa lahat, bukod kase sa hindi ito pwede sa mga customers na masyadong sensitibo, masyado din kase itong mahal para sa nasabing treatment, nagkakahalaga lang naman kaseng $350 ang bawat 15 minutes session nito.###CD