Pagsasabatas ng Automatic Income Classification ng LGU, mag po-promote ng local autonomy ayon sa DOF

Itinuturing na good news ng Department of Finance ang pagiging ganap na batas ng RA 11964 o ang Automatic Income Classification ng mga Local Government Unit o LGU.

Ayon sa DOF, ang bagong batas ay magbibigay ng mas responsableng paraan upang itaguyod ang local autonomy at palakasin ang kakayahan ng mga LGU na mabuksan ang kanilang full economic potential.

Nabatid na sa ilalim ng batas, ika-classify ang mga munispyo sa limang klase batay sa kanilang kita.

Ang DOF naman ang binigyan ng kapangyarihan na i-reclassify ang mga LGU at irebisa ang mga income ranges ng mga ito para ma-align sa kasalukuyang economic conditions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *