Pagsasalegal ng kwalipikadong Habal-habal, mungkahe ng president ng isang transport group sa Naga

NAGA CITY โ€“Iminungkahe sa Naga City na magkaroon Memorandum of Agreement o MOA ang Lokal na Pamahalaan ng lungsod, upang maging legal na makakapasada ang mga habal-habal drivers.

Isa kasi ito sa mga nabanggit na problema sa ginawang pag-uusap ng mga drivers at operators, kasama ang Land Transportation Office, PNP at Public Safety Office; problema para sa iba pero malaking tulong naman ng ilang pasahero lalo na kung alanganing oras.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Kgwd. Gil Belen, Federation President ng Trimobile and E-trike Association, sinabing dapat tutukan na ito lalo na hindi organisado at walang insurance, hindi pa ligtas para sa mga pasahero.

Alamin sa ibang bayan kung ilan ang mga habal-habal drivers na pumapasok sa lungsod, buohin, gawan ng uniporme at identification card o pagkakakilanlan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *