Pagsasanay ng magsasaka sa TESDA Registered Program, mag-uumpisa na sa San Narciso

SAN NARCISO-Uumpisahan na sa bayan ng San Narciso ang pagsasanay ng mga myembro ng koopertiba ng mga magsasaka sa lugar.

Ito ay upang madagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka kung paano mapalago ang mga pananim at makapagpalabas ng mataas na kalidad ng produkto.

Ayon sa pamunuan ng Jose F Rodriguez School of Technology na hahawak sa training, maaring simulan ang pagsasanay sa buwan ng Hunyo na gagawin sa Farm Field School sa lugar.

Sasanayin ang mga magsasaka sa short term course na Agricultural Crop Production NC II ng Technical Education Skills And Development Authority o TESDA.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *