Pagsasapribado ng bagong palengke sa Olongapo, pag-aaralan ng City Government

OLONGAPO-Pag-aaralan ng City Government ang pagsasapribado ng bagong palengke ng Olongapo.

Ito ay para maipagawa ang tatlo o higit pang palapag ng gusali na ang malaking bahagi ay gagawing paradahan ng mga sasakyan.

Matatandaan, sinabi ni Metro Olongapo Chamber of Commerce President Ruben De Guzman na napapanahon na para maghanap o magpagawa ng mas malalaking parking area ang City Government gaya ng bagong palengke at Rizal Triangle.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, hindi kakayanin ng siyudad ang laki ng gagastusin sa renovation ng palengke kaya kinakailangang humingi ng tulong o makipag-partnership mula sa mga malalaking kompanya sakaling ituloy ang pinaplano.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *