Pagsipa sa presyo ng sibuyas, masusing inaaral ng Department of Agriculture

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng biglang pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA spokesperson Asec. Kristine Evangelista na napag-alaman na ang ibang nagtitinda ay pinaabot na ang presyo ng sibuyas sa P300 per kilo.

Sa kasalukuyan, nakikipag-uganayan ang ahensya sa Bureau of Plant Industry (BPI) para makita ang supply situation at malaman ang dahilan ng price hike.

Ayon kay Evangelista, tinitingnan din ng ahensya ang supply ng sibuyas na aanihin ng mga magsasaka.

Kapag nadagdagan ang supply, aasahan na ang pagbaba ng presyo nito.

Samantala, mabibili naman ang pulang sibuyas ng P170 per kilo sa “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita,” o KADIWA
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *