Pagsisikap at talino, kailangan sa pagkamit ng mga pangarap sa buhay – Kit Thompson

Naniniwala ang aktor na si Kit Thompson na kailangan lamang ang pagsisikap at talino upang marating ang kahit anuman pangarap sa buhay.

Sagot ito ni Kit sa tanong ng Brigada News FM sa regional press conference ng La Vida Lena kung kailangan bang maging maganda ng isang tao para makarating sa rurok ng tagumpay.

Base kasi sa trailer ng naturang teleserye ay makikita ang pagtataray ng karakter na ginagampanan ni Agot Isidro kung saan ay sinabi nito na bawal papasukin sa kanilang establishimyento ang mga pangit.

Hindi naman naniniwala si Kit na applicable in real life na kailangan maging maganda ng isang tao para makapasok sa high places.

Ipinunto niya na iba-iba naman ang goals ng mga tao sa buhay.

Para naman sa aktor na si Carlo Aquino ay hindi lamang sa Pilipinas, kungdi sa buong mundo nagkakaroon ng isyu ng diskriminasyon kung saan ay ibinabase sa pisikal na kaanyuan ng tao ang mga pwede nitong makamit na tagumpay sa buhay.

Dahil diyan ay sinabi ni Carlo na umaasa siya na mababago ang ganitong klase ng pag-iisip sa tulong ng bagong henerasyon.

Mababatid na sina Kit at Carlo, kasama na si JC De Vera ay ang mga magsisilbing leading men ni Erich Gonzales sa bagong revenge teleserye ng ABS-CBN na La Vida Lena.

Istorya ito ni Magda na nakaranas ng pang-aapi dahil sa kaniyang itsura at dahil sa naimbento niyang sabon na nais makuha ng isang makapangyarihang angkan.

Kalaunan ay bumangon si Magda upang makapaghiganti sa lahat ng mga umapi sa kaniya, ngunit sa pagkakataon ito ay iba na ang kaniyang mukha dahil sa pagpapa-plastic surgery.

Subaybayan ang pagbabagong-anyo at paghihiganti ni Lena at i-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa A2Z at TV5 ang mga bagong episode ng “La Vida Lena” na mapapanood na ngayong Lunes (Hunyo 28), 10 PM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *