Pagsita ng mga barangay officials sa mga hindi bakunado, ipapatupad na agad-DILG

Ipinatupad na agad sa lalawigan ng Palawan ang pagsisita ng mga kapitan ng barangay sa mga hindi pa bakunado sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Department of Interior and local Government (DILG) Palawan Director Virgilio Tagle, epektibo agad ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sitahin ang mga hindi bakunado.

Dagdag pa ni DILG Director Tagle, na dapat sundin ng bawat Barangay Officials sa probinsya dahil wala ng iba pang magbabantay sa mga barangay nila kung hindi sila lamang.

Matatandaan, binigyan ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Barangay Captain na sitahin ang mga hindi pa bakunado at pagbawalan lumabas ng bahay hanggat wala pang Covid-19 Vaccine.

Photo Courtesy of Puerto Princesa City Covac

Leave a Reply

Your email address will not be published.