Pagsita sa ilang pumupunta sa Mendoza Park, wala umanong diskriminasyon

Nilinaw ni City Administrator Atty. Arnel Pedrosa na walang diskriminasyon pagdating sa mga bumibisita o pumupunta sa Mendoza Park.

Ang bawal lamang aniya ay ang mga grupo na “nangungursunada” ng mga dumadaan.

Ipinagbabawal rin ang paghubad at paninigarilyo sa parke, ayon pa kay Atty. Pedrosa.

Samantala, tinitiyak din g Anti- Crime Task Force na walang kaguluhan sa Mendoza Park para sa kaayusan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *