Pagsuot ng facemask  sa matataong lugar at pagbabakuna inirekomenda ng DOH-Camarines Sur kaugnay ng paisa-isang kaso ng COVID-19 sa lalawigan

CAMARINES SUR- Inirekomenda ng Department of Health Camarines Sur sa publiko ang pagsuot pa rin ng facemask sa matataong lugar at pagbabakuna laban sa COVID-19 kaugnay ng paisa-isang kaso sa lalawigan.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Rey Millena na ang pagtaas ng kaso sa Bicol Region ay maaaring may koneksyon sa mga pagtitipon noong nagdaang Semana Santa. Tumataas din ang kaso sa ilang bahagi ng bansa.

Mas mabuti na aniya ang pag-facemask lalo na sa siksikan dahil hindi lang naman ito proteksyon sa naturang virus kundi sa iba pang sakit. Sinabi ring dapat paigtingin muli kampanya ng pagbabakuna sa mga barangay lalo na marami ang ayaw at hindi naniniwala sa COVID-19.

Habang hindi pa aniya nagkakaroon ng surge mainam kung putulin na ang trend upang hindi na muling magkaroon ng restrictions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *