Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagsuspinde sa pangongolekta ng pass-through fee sa mga truck na nagdadala ng kalakal o produkto.
Ito’y kasunod ng sumbong ng mga nagbebenta ng gulay sa Divisoria na hindi naman daw nasusunod ang kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na itigil muna ang nasabing paniningil.
Ayon sa tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna na si Princess Abante, kakalap ang Manila LGU hinggil sa mga hinaing ng ilang mga negosyante ng gulay.
Dagdag pa ni Abante, kakausapin din nito ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sila ang naatasang ipatupad ang naturang kautusan.