Pagsusuot ng face masks sa mga indoor areas, balak na rin gawing optional

Mahigit isang buwan matapos gawing optional ang pagsusuot ng face masks sa mga outdoor areas – nakatakda nang maglabas ng executive order si Pangulong Bongbong Marcos kung saan ay gagawin na ring optional ang mask mandate sa indoor setting.

Ito ay kahit na kumpirmadong nakapasok na ng bansa ang mga ‘immune-evasive’ variants ng COVID-19 kabilang na ang XBB at XBC variants.

Sa Malacañang press briefing, kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco na ito ang napag-usapan sa Cabinet meeting ngayong umaga.

Ayon kay Frasco, ang direksyon ng Marcos administration ay i-lift na ang lahat ng mga natitirang restrictions at protocols sa Pilipinas para makasabay sa mga kaptibahay na bansa sa ASEAN na matagal nang nag-liberalize ng kani-kanilang mga mask mandates.

Sa kabila nito, ire-require pa naman ang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong sasakyan, medical transportation, at medical facilities.

‘Highly-encouraged’ pa rin ang mask wearing sa mga senior citizens, person with commorbidities, at mga unvaccinated individuals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *