Pagsusuot ng facemask ng mga empleyado sa City Government ng Tabaco, mahigpit na ipinatutupad

LEGAZPI CITY – Mahigpit na muling ipinatutupad sa lahat ng mga government employee ng Tabaco City Government ang pagsusuot ng kanilang facemask sa loob ng kanilang mga opisina.

Ayon kay Mayor Krisel Lagman, ito ay upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa nakakahawang sakit na COVID-19, lalo pa’t tumtaas ang bilang ng mga nagpopositibo.

Iniiwasan ding magkaroon ng hawaan nito sa mga empleyado, dahil magiging at risk din pati ang mga nakikipagtransaksyon sa kanila.

Binigyang-diin din ang pagsunod sa mga minimum public health standards katulad na lamang ng paghuhugas ng kamay o pagsasanitize at paglalagay ng alcohol.

Samantala, sa ngayon ay naitala ang isang bagong kaso ng COVID-19 sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *