Pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar, mahigpit na ipapatupad sa San Andres, Catanduanes

BICOL—Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng San Andres sa lalawigan ng Catanduanes na pasado na ang ordinansa sakanilang bayan na magpapalawig sa polisiya kaugnay ng pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar gayundin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols.

Ayon sa LGU, ang pagpapatupad ng Resolution No. 48 series of 2020 ay bahagi ng kanilang pag-iingat upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sakanilang bayan.

Nakapaloob sa naturang resolusyon ang pagmulta ng halagang P500 sa mga mahuhuling indibidwal na walang suot na facemask sa mga pampublikong lugar gaya ng munisipyo, simbahan, palengke, plaza at iba pa.

Pagsuspinde naman sa business permit ang magiging penalty para sa mga business establishment na mahuhuli at mapapatunayang hindi maayos na naipapatupad ang health protocols sa loob ng kanilang establisiyemento.

Ang bayan ng San Andres, Catanduanes ay nakapagtala nan g 29 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan walo sa mga ito ang aktibong kaso habang isa naman ang binawian ng buhay.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *