Pagsususpinde sa tigil-pasada ng MANIBELA, temporary lang daw at maaari pang masundan

Nagbabadyang masundan pa ang isinagawang malawakang tigil-pasada ng MANIBELA sa iba’t ibang bahagi bansa.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay MANIBELA chair Mar Valbuena, sinabi nito na pansamantala lamang nilang inihinto ang strike bunsod na rin ng pakiusap ng gobyerno at ng nararansang sama ng panahon ngunit kung hindi diringgin ang kanilang panawagan ay posible magsagawa ulit ng kaparehong aktibidad.

Hindi pabanggit ng DOTr sa SONA, patunay daw na may kulang sa ahensya

Sabi ni Valbuena, tila hindi aniya nag-uusap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), DOTr at ang Pangulo dahil sa kawalan ng aksyon ng mga ito sa mga usapin sa transportasyon partikular sa nakaambang pag-phaseout ng mga lumang jeep.

Aniya, dismasyado ang kanilang grupo at iba pang samahan ng jeepney drivers and operators sa bansa dahil sa gitna ng kanilang mga kilos protesta ay tila wala nangyayari kung hindi puro usap lamang pero hindi aniya sila nawawalan ng pag-asa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *