Pagtaas ng bayarin sa kuryente dahil din sa mainit na panahon

CAMARINES NORTE – Hindi lang umano ang tumaas na billing rates ang dahilan kung bakit mas mataas ngayon ang binabayarang kuryente.

Batay sa Lingguhang pagbibigay ng impormasyon ng Camarines Norte Electric Cooperative, maliban sa pagtaas ng billing rates noong Abril na binabayaran ngayong buwan ay epekto rin umano ito ng labis na mainit na panahon kung saan gamit na gamit ang mga appliances.

Payo ng Canoreco, kapag nakatanggap ng mataas na bill ay maaari rin umanong i- check ang kunsomo at baka tumaas ang kWh per hour o ang nagagamit na kuryente ay mas malaki.

Sa sobrang init daw kasi ng panahon ay inaasahan na ang mataas na kunsomo sa kabila ng pagsisikap na makatipid.

Tinitiyak naman ng naturang kooperatiba ng kuryente na ang kanilang mga rates ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC), ang regulating body para sa mga electricity rates sa buong bansa.

Samantala ipinaalala rin nito na ang tinatanggap lang sa mga bayad centers ay current bill lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *