Pagtaas ng COVID-19 cases, posible sa pasukan ayon sa OCTA Research

Inaasahang tataas pa ang mga kaso ng covid-19 sa bansa kasabay ng pagsisimula ng school year 2022-2023 o ang pagbabalik sa mga paaralan ng maraming kabataan.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, hindi naman daw masama na magkaroon ng face to face classes lalo’t dalawang taon na ang nakalipas ng huling isagawa ito.

Gayunman, ipinunto niya na sa oras na magbukas na ang klase ay asahan ang pagtaas pa ng kaso ng covid-19.

Sa pagsisimula ng klase sa darating na Agosto 22, 2022, sinabi ni Dr. David na dapat ay mas pahigpitin pa ang mga protocols lalo na ang social distancing at magandang air-ventilation sa mga paaralan.

Binigyang diin din niya na kailangang lahat ng mga empleyado, lalo na ang mga guro ay dapat fully vaccinated.

Sa pahayag naman noon ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, iginiit nito na hindi pa rin required ang bakuna sa mga estudyante ngunit hinihimok nila ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.