Pagtaas ng Covid-19 cases sa Koronadal, asahan; mga hotels, gagawing isolation facilities kung kinakailangan

KORONADAL CITY —ASAHAN pa rin ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang inihayag ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena sa kabila ng implementasyon ng modified enhanced community quarantine o MECQ sa dalawang barangay sa Koronadal na may pinaka-maraming kaso at mas mahigpit na restriction sa buong lungsod.

Ayon sa alkalde na araw araw na ang ginagawang swabbing ng City Health Office mula sa dating tatlong beses sa loob ng linggo sa mga taong may closed-contact sa mga nag-positibo o sa mga nakaramdam ng sintomas.

Bilang paghahanda umano sa posibleng pagtaas ng kaso, isang isolation facility na may 100 capacity ang inihanda sa Barangay General Paulino Santos ng lungsod.

Paliwanag ng alkalde na plano nilang gawing 200 ang capacity ng nabanggit na isolation facility upang maka-akomoda ng mas maraming pasyente.

Dagdag pa ni Ogena na maaari ring gamitin bilang mga isolation facilities sa Koronadal ang mga hotels kung kinakailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *