Pagtaas ng gasolina, dahilan ng pagtaas ng pamasahe sa tricyle sa Legazpi City-PSO

LEGAZPI-Nilinaw ng Public Safety Office o PSO Legazpi na dahilan ng pagtaas o dagdag pamasahe sa mga tricycle sa lungsod ay dahil sa tuloy-tuloy rin na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon kay Retired Col. Rolly Esuerra, nagpalabas na sila ng fare matrix para sa aabot 12 parada sa lungsod ng Legazpi na siyang pagbabasehan ng bagong presyo ng pamasahe ng mga pasahero.

Aniya, 12 pesos na ngayon ang minimum na pamasahe sa tricycle at bago paman ito inimplementa, dumaan umano ito sa committee hearing ng Sanguniang Panglungsod sa ilalim ng Committee on Transportation and Public Utility.

Samantalang nilinaw din nito na ang mga tricycle na walang Taripa ang hindi maaaring mag implementa ng nasabing fare matrix.

Siniguro naman ni Esguerra na kung sakali na magkaroon ng pagbaba sa presyo ng gasolina, ay posibleng bababa din ang pasahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *