Pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Albay, mula umano sa health facilities – PHO

LEGAZPI CITY – Aminado ang Albay Provincial Health Office (APHO) na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan magmula noong Abril 6 hanggang sa buwan ng Mayo.

Ayon kay PHO Head, Dra. Estela Zenit, nagsimula ang pagtaas ng mga kaso nang magpositibo ang isang pasyente mula sa BRTTH hanggang sa nagkahawaan na umano.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng surveillance swabbing sa mga empleyado ng nasabing ospital kahit walang sintomas upang matukoy kung positibo sa sakit.

Karamihan din sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay mild lamang at sila ay naka-home quarantine.

Sinabi pa ng opisyal, ito na ang pangalawang pagkakataong tumaas ang mga kaso nito sa Albay na ngayon ay umabot sa 27.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *