Pagtaas ng pasahe sa LRT 1 at LRT 2, epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang pagtaas ng pasahe sa Light Rail Transit o LRT 1 at LRT 2.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation na namamahal sa maintenance ng tren, P14 na ang bagong minumum fare habang P35 naman ang maximum fare para sa mga stored value card (SVCs).

Samantala, P15 naman hanggang P35 ang single journey tickets.

Matatandaang nasa P12 lamang ang pinakamababang pasahe noon sa naturang tren, habang pinakamataas na ang P30 para sa mga SVCs.

Dagdag pa ng LRMC, sinunod nito ang tamang due process sa pagpapatupad na dagdag pasahe, kabilang ang requirement na kailangang ipalathala sa mga pahayagan ang approved fare adjustments sa loob ng magkakasunod na tatlong linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *