Pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte bahagyang bumagal sa antas na 8.6 % – PSA

CAMARINES NORTE- Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa antas na 8.6 % ang inflation rate sa lalawigan kumpara sa 9.3 % noong Pebrero.

Pero masyado itong mataas kumpara sa 1.7 % sa parehong panahon noong isang taon.

Ito rin ang pinakamabilis na inflation sa magkakaparehong buwan simula 2019.

Sa lahat din ng lalawigan sa Bicol naitala ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Norte at Camarines Sur na may parehong 8. 6 %.

Pinaka nagpabilis pa rin ng inflation sa lalawigan ang restaurants and accommodation services na nasa 22.1 %.

Nag ambag rin sa mataas na inflation ang mahal na renta sa bahay bayad sa tubig at kuryente gayundin ang petrolyo.

Mataas din ang presyo ng food at non- food items gayundin ang alcoholic beverages and tobacco.

Kapag mataas ang inflation ay lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ng mga tao para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

Sa buong Bicol Region naman ay bahagyang bumagal ang inflation sa antas na 7.1 % kumpara sa 8.8 % noong Pebrero.

Pinakamabagal ang inflation sa Sorsogon na nakapagtala lang ng 4.4 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *