Pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pangunahing pangangailangan pinuna sa Consumer Welfare Month

NAGA CITY- Consumer Welfare Month ang buwan ng Oktubre, nakaangkla ito sa Presidential Proclamation No. 1098 noong September 26, 1997, subalit ayon sa Committee on Consumer Protection walang dapat na ipagdiwang dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon kay Naga City Consumer Protection Committee Chairman Joe Perez ang consumer welfare ay para sa “satisfaction” ang mga maminili, nakapaloob dito na protektahan ang karapatan ng bawat mamimili at nakapalaman din dito ang kanilang kaligtasan.Subalit ano aniya ang kailangang ipagdiwang ngayong, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahng pangangailangan , nito ngang linggo tumaas P1.40 hanggang P1.50 kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Nabanggit din nito ang naisabatas na Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) o kilalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law , na aniya ay nasa package 1 pa lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *