Pagtahi at pagbenta ng police uniform sa lungsod ng Sorsogon ipagbabawal kapag walang certificate of conformity

Ipagbabawal ang pagtahi at pagbenta ng mga Police Uniforms, Insignias at iba pang kasuutan ng mga pulis na walang kaukulang dokumento o Certificate of Conformity sa lungsod ng Sorsogon.

Sa committee report ng Committee on Peace, Public Order and Safety na pinangunahan ni City Councilor Bryan Pingul, mahigpit na ipagbabawal ang pagmanufacture, pag distribute at pagbenta ng mga PNP uniforms sa lungsod.

Ibig sabihin, kailangan munang kumuha ng PNP Certificate of Conformity ng mga tindahan at mananahi bago sila pahintulutan na magbenta ng mga nasabing uniporme at iba pang kagamitan ng PNP.

Layunin ng binubuong ordinansa ay upang maiwasan ang iligal na pagbenta ng mga uniporme ng mga otoridad at upang hindi ito magamit sa kung saan-saan lamang.

Papatawan rin ng kaukulang penalidad ang mga tindahan na mahuhuling iligal na magbebenta ng mga nasabing uniporme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *