Pagtakbo sa pagkapangulo ni VP Robredo pormal na hiniling ng isang grupo sa Bicol

NAGA CITY- Pormal na hiniling ng Bicol Solidarity For Leni Movement na tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas si Vice President Leni Robredo.

Sa pagpapakilala ng grupo online nakasama nila ang iba’t-ibang sektor ng lipunan at mga representante mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon bitbit ang mga katangian at mga accomplishments ng Pangalawang Pangulo hindi lamang bilang isang Bicolano kundi ng isang lider.

Una nang sinabi ni Robredo na bukas naman siya sa lahat ng posisyon kabilang dito ang hinihiling ng ibang grupo na siya ay tumakbo bilang gobernador.

Batid nina Atty. Ricky Tomortorgo , coordinator ng Solid Leni sa Camarines Sur na mahirap ang desisyong ito para sa nasabing opisyal.

Handa naman ang grupo na sumuporta kung pipilin ni Robredo ang pagtakbo lokal partikular na ang pagka gobernador ng Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *