Pagtangging magpaturok ng COVID-19 vaccine, hindi labag sa batas- DOJ

Nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra na walang nilalabag na batas ang mga tatangging magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Ginawa ni Guevarra ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto ang mga hindi magpapaturok ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa kalihim paraan lamang ito ng Pangulo upang mahikayat ang mga Pilipino na makiisa sa vaccination program ng gobyerno.

Aniya, tiyak na alam ng pangulo na di krimen ang pagtangging magpaturok ng COVID-19 vaccine dahil isa itong abugado.

Habang hindi krimen ang pagtangging magpabakuna, pwedeng maaresto ang indibidwal kapag lumabag sa quarantine protocols.

Mababatid na hindi ito ang unang pagkakataon na binigyang katwiran ng Department of Justice (DOJ) ang bantang aresto ng pangulo.

Noong nakaraang buwan lamang ay nagbabala ang presidente na ipapa-aresto ang mga di maayos na nagsusuot ng face masks pati na ang mga barangay chairperson o village readers sa mga lugar kung saan may naganap na super-spreader events.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *