Pagtatayo ng mga pasilidad at istraktura sa mga bakanteng isla sa West Philippine Sea, isinusulong

Hinihikayat ni Palawan Board Member Ryan Dagsa Maminta ang National Government na pag-isipan ang posibilidad na paglalagay ng istraktura sa mga bakante ngayong isla sa West Philippine Sea.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, inihayag sa nakalipas na regular na sesyon na nais niya itong i-address sa Palasyo ng Malacañang at Department of National Defense.

Aniya, ang mga islang ito ay matatagpuan sa 104 nautical miles ng lalawigan ng Palawan at 200 Nautical Miles ng Exclusive Econimic Zone ng bansa, alinsunod sa desisyon ng Permanent Court Of Arbitration.

Naniniwala ang lokal na mambabatas na kung maglalagay ng mga pasilidad ang gobyerno ng Pilipinas sa mga isla partikular sa Ayungin Shoal ay maigigiit ang ating Karapatan sa teritoryo.

Samantala, umaasa si BM Maminta na magiging positibo ang tugon ng National Leaders sa kanyang panukala.

“Structures and facilities like ports, lighthouses, base camps, coast guard or naval stations, maybe radio stations and even some artificial islands in our claimed territories in the West Philippine Sea. We could enhance our existing structures in KIG to protect our territory and our kababayans, especially Filipino fisherfolks.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *