Pagtatayo ng sanitary landfill sa Castilla, patuloy na pinoproseso

Posible na ang pagkakaroon ng sanitary landfill sa bayan ng Castilla, ito ay sa oras na makumpirmang feasible ang napili nilang site upang maging tapunan ng basura.

Ayon kay Ricardo Averilla ng  Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Castilla, sa ngayon umano ay kanila na lamang hinihintay ang resulta ng isinagawang assessment ng Department of Environment and Natural Resources at Mines and Geosciences Bureau o MGB sa lugar at posible na nilang bilhin ang nasabing site.

Hindi pa kasi umano ito binabayaran ng LGU sa dahilang gusto muna nilang makatiyak na pasado ang lugar upang maging sanitary landfill bago ito tuluyang bilhin.

Ang nasabing lupa ay may lawak na 23 ektarya at sakop ng Barangay Loreto.

Dagdag pa ni Averilla, sakaling maisakatapuran ay malaking bagay ito para sa bayan ng Castilla dahil sa kasalukuyan ay sa bayan sila ng Daraga sa Albay nagtatapon ng kanilang basura.

Mababatid na sa binuong 10 years Solid Waste Mangement Plan ng bayan ng Castilla, highlight dito ang tungkol sa kung paano ma-manage ang basura ng LGU gayundin kung paano maiimplementa ang nakapaloob sa Republic Act 9003 na paglalagay ng sanitary landfill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *