Pagtiyak na walang “padrino system” sa recruitment process ng PRO2, tinitukan ni RD PBGen. Nieves

Tinutukan ni Police Regional Office (PRO) 2 Director PBGen. Crizaldo Nieves ang paglulunsad ng “Nameless Faceless Recruitment Process” sa sabayang paglulunsad nito kahapon sa PRO2 Grandstand.

Ito ay upang matiyak na naipatutupad at nasusunod ang mga guidelines na ibinaba ni PNP Chief Gen.Guillermo Eleazar at walang Padrino System sa recruitment process ng PNP.

Kaugnay nito ay ipinatupad ang QR Code System upang masiguro na tanging ang mga best at most qualified applicants ang makukuha.

Kinakailangan namang magprisinta muna ng negative result ng RT-PCR Test at normal ECG ang mga aplikante bago payagang makapasok sa kampo.

Samantala, mula sa 1, 498 na mga aplikante sa PRO2 ay mayroong 185 sa mga ito ang nagsailalim sa Body Mass Index assessment kahapon at naka-schedule naman ngayong araw ang iba pang aplikante hanggang sa unang araw ng Hunyo.

Habang ang nasa 100 na applicants para sa National Support Units na hindi nakapag-report sa National Headquarters ay sa regional office na isasailalim sa screening.

Ayon pa sa PRO2, kaagad na made-deactivate ang QR Code ng mga aplikanteng hindi maaabot ang normal BMI at hindi makakapagpatuloy sa recruitment process.

Mayroong kabuoang 400 recruitment quota ang inilaan sa PRO2 para sa first at second semester ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *