Pagtugon sa “Silent Pandemic” naging adbokasiya ng Brigada

Libu-libong mga kabataan at ina ang nakabenepisyo sa inilunsad na adbokasiya ng Brigada Group of Companies sa buong bansa.

“End Stunting Now!” Advocacy to End Silent Pandemic, ito ang naging tema ng programa ng Brigada Group of Companies na inilusad sa pamamagitan ng 50 Brigada News FM stations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa kabuuan ay umabot sa 2,206 na mga ina at 3,454 na mga kabataan ang naging benipisyaryo ng “End Stunting Now!” advocacy ng Brigada na nakatanggap ng mga bitamina, laruan, pagkain, entertainment at ang labis na pangangailagan na payo mula sa mga ekspertong doktor at espesyalist sa pangkalusugan lalo na sa pagdadalang tao at tamang pag-aaruga ng bata.

Napag-alaman na ang stunting o pagkabansot ay tinatawag na silent pandemic na nakakaapekto hindi lamang sa kalusugan ng mga bata kundi pati na rin sa kanilang henerasyon at ekonomiya ng bansa.

Ito ang advocacy na napili ni Brigada Group of Companies CEO at Chairman Elmer V. Catulpos para matugunan ang problemang kinahaharap ng bansa at lalong-lalo na ang kalusugan ng bawat isa at ng bagong henerasyon.

Ito ay dahil mahalaga ang unang 1,000 na araw sa buhay ng isang bata para maging produktibo, matalino at malusog sa kanyang paglaki.

Una nang pinagtutuunan ng World Health Organization at Department of Health ang stunting dahil nakita ng mga ito ang labis na epekto sa mundo lalo na kapag hindi na malusog ang mga susunod na henerasyon kaya hindi pahuhuli ang Brigada sa pagtugon sa nasabing silent pandemic.

Naging matagumpay naman ang paglusad ng “End Stunting Now!” Advocacy katuwang ng mga partners ng Brigada nakinabibilangan ng mga local health offices ng pamahalaan, local government units, donors, sponsors at mga volunteers.

Aasahan ng mga KaBrigada na tuloy-tuloy ang “End Stunting Now!” Advocacy dahil labis naming inaasam ang kabutihan ng bawat isa. Max Anaten

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *