Pagtuloy ng Japan sa hosting ng Olympic Games, tinawag na ‘suicide mission’

Tinawag na “suicide mission” para sa Japan ang pagtutuloy ng hosting ng Olympic Games.

Ang pahayag ay ginawa ni Hiroshi Mikitani, CEO ng top e-commerce ng Japan.

Sinabi ni Mikitani na sinusubukan niyang kumbinsihin ang kanilang gobyerno na i-cancel ang Tokyo games na nakatakdang magsimula sa July 23 dahil sa pangamba na posibleng dumami pa ang kaso ng COVID-19.

Binigyang diin ni Mikitani na dahil sa COVID-19 pandemic, masyadong peligroso ang pag-host ng international event lalo pa at dadagsa sa kanilang bansa ang mga atleta at opisyal mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Mikitani, nakikita naman ang paghihirap ng India at Brazil dahil sa surge ng COVID-19 kaya hindi pa panahon aniya para mag-celebrate kabilang ang Olympics.

Maliban sa panawagan at babala, binigyan ni Mikitani ng 2 out of 10 na rate ang kanilang gobyerno sa pag-handle sa pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *