Pagtuturok ng booster shots para sa edad 12-17 taong gulang sa Naga City, posibleng maging mahina ang turn out

NAGA CITY – Posibleng maging mahina ang turn out ng Booster Shots Vaccination para sa edad 12 hanggang 17-taong gulang na mga bata sa Naga City sa oras na magkaroon na nito ng implementasyon sa lungsod.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Raynor Rodriguez, Vaccination Coordinator sa Naga City.

Aniya, ngayon pa nga lang malaking hamon na ang Pediatric Vaccination lalo na sa mga nag-eedad 5-11 taong gulang, ni hindi pa nga natuturukan ng first dose vaccines ang ilan sa mga bata, ang pagtuturok pa kaya ng booster shots.

Mababatid na aprubado na ng Department of Health at pirmado na rin ni DOH Sec. Francisco Doque III ang Pediatric Booster Shots sa nasabing kategorya.

Inamin na rin ng opisyal na kulang ang mga nagpapabakuna ngayong mga bata, hangad sana ng Lokal na Pamahalaan na mabakunahan na ang lahat para may panglaban sa COVID 19 at sa implimentasyon na rin ng face to face classes, kaya naman ngayon kinukuha nila ang mga listahan ng mga batang hindi pa natuturukan ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.