Pahayag ng kontrobersyal na direktor ukol sa historians, “unfair” ayon sa isang Bicolano Historian

NAGA CITY- “Unfair!” ito ang reaksyon ng isang kilalang Bicolano Historian sa sinabi ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Sa isang panayam sinabi kasi ni Yap na hindi siya naniniwalang ang pagiging historian ay isang propesyon, ang mga historians ay “researches” lamang o mga masisipag manaliksik o kumalap ng impormasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Professor Danny Gerona sinabing ang pagiging historian na eskperto sa nasabing disiplina ay hindi basta-bata. Tulad lang naman pagiging direktor ng mga pelikula may mga pinagbabasehan upang kilalanin ang mga kakayahan.

Pag bibigay diin ni Gerona, may mga kwalipikasyon ang pagiging historian, unang lebel pa lamang ang pagiging researchers mula sa mga primary o direct sources. May critical evaluation aniya sa mga impormasyong nakukuha tulad ng mga siyentipiko.

Ipinunto pa na ang historians kayang masabi kung fake news, vital information, ordinaryong impormasyon at kung ano ang katuturan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.