Painting ng isang baboy, naibenta sa halagang P1.2 million

South Africa– Mahirap man paniwalaan ngunit alam niyo ba na isang baboy sa South Africa ang hinahangaan ngayon dahil sakanyang kakaibang talento na ang buong akala natin ay tanging tao lamang ang kayang gumawa?

Talaga nga namang kahanga-hanga ang talento ng baboy na si “Pigcasso” dahil sa kanyang galing sa pagpipinta.

Si Pigcasso ay na rescue lamang noon ng isang animal rights activist na si Joanne Lefson na siya ring naka diskubre sa talentong ito ng naturang hayop makaraang makita na mahilig itong maglaro ng paint brush.

Kalaunan ay binigyan nila ito ng pintura at canvass board kung saan nito ipinamalas ang talento sa paggawa ng ‘abstract painting’ gamit ang kanyang bibig.

Dumami nang dumami ang mga likhang sining ni Pigcasso hanggang sa mag organisa ng art exhibit ang nangangalaga sakanya kung saan ibinida ang kanyang mga obra.

Ngayong taon lamang, naibenta sa halagang 20,000 Euros o katumbas ng P1.2 million ang isa sa mga abstract painting ni Pigcasso na may pamagat na “Wild and Free.”### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *