Palasyo, dinipensahan ang vaccine priority para sa mga lokal na opisyal

Dinipensahan ng Palasyo ang desisyon ng pandemic task force ng gobyerno na ilagay ang mga local executives sa priority group A1.5, na kasunod lamang ng health workers sa inoculation program ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat hindi mga doktor ang mga lokal na opisyal, ay kapantay naman nila ang mga frontliners dahil sa kanilang mga stratehiya na pinangungunahan ng mga lokal na opisyal.

Ipinaliwanag ni Roque na ipinatutupad ng mga mayor at governors ang prevention, detection, isolation, treatment, at rehabilitation ng kanilang COVID program.

Nag-iimplementa rin anya sila ng localized lockdowns at vaccination, na instrumento sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution No. 115-B, ay makakasama ang lahat ng 1,600 na gobernador at alkalde sa priority group A1.5 kahit ano pa ang risk classification ng kanilang mga nasasakupan.

Kung maalala, ay dating na-classify ang local chief executives bilang A4 o frontline personnel, na kasunod ng health workers (A1), senior citizens (A2), at persons with comorbidities o health risks (A3).

Gayunman, umapela ang League of Provinces of the Philippines na mapasailalim ang mga lokal na opisyal sa A1.5 category.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *