Palasyo, kampanteng ‘di nagsasagawa ng oil exploration ang China sa Scarborough

Kampante ang Malacañang na hindi nagsasagawa ang China ng oil exploration sa pinag-aagawang Scarborough Shoal, sa kabila ng diskubure ng mga mangingisdang Pilipino na oil exploration equipment na may markings ng Chinese nito lang buwan.

Ang ocean bottom seismometer ay nadiskubre sa hilaga ng shoal – dahilan para tumaas ang pagdududa na posibleng nagsasagawa ang Beijing ng ilegal na aktibidad sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, wala naman natatanggap ang gobyerno na report kaugnay sa Chinese oil exploration vessel sa lugar, na nangangahulugang walang saysay ang seismometer, kung wala ang barko.

Sakali naman umanong mapatunayan, tiniyak ni Roque na gagawa ng kaukulang aksyon ang pamahalaan.

Sinabi naman ng kalihim na hindi sila hihingi ng paliwanag mula sa China kaugnay sa narekober na device, dahil ang alegasyon ay batay lang sa espekulasyon, bagama’t nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung may mayroong seismometer sa naturang area. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *