Palasyo kay Carpio: ‘Di estapador si pangulong Duterte’

Bumuwelta ang Malacanang kay retired Justice Antonio Carpio matapos nitong tawaging “grand estafa” ang napako umanong campaign promise ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang West Philippine Sea mula sa China. 

Sa isang chance interview,  iginiit ni presidential spokesperson Harry Roque na bilang dating justice, alam dapat ni Carpio na hindi estafa ang ginawa ng president dahil wala naman itong niloko.

Giit ng kalihim, kung magsalita si Carpio ay para itong politiko. 

Tanong ni Roque, kung tatawaging estafador si pangulong Duterte, ano na lamang ang tawag sa dating justice na sya mismong sumulat ng desisyon kaya nawala ang mga territorial sea at internal waters ng Pilipinas. 

Mababatid na pinaalala ni Carpio sa pangulo na idineklara ng presidente sa isang debate noong April 2016 na personal itong sasakay sa jet ski patungo sa areas na inaangkin ng China at maglalagay ng bandila ng Pilipinas. 

Pero itinanggi ng pangulo na ipinangako nyang babawiin ang isla at sinabing naagaw ito ng China noong Aquino admnistration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *