Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng libreng pagkain ng Presidential Action Center o PACe, kaugnay pa rin sa selebrasyon ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Batay sa impormasyon ng ibinahagi ng Presidential Communications Office, magtatagal hanggang September 22 ang feeding program na inorganisa ng Feeding Metro Manila.
Ayon sa grupo, sa ngayon nasa sampung libo na raw ng libreng pagkain ang kanilang naipapamahagi sa publiko.
Kaugnay nito, umaapela ang grupo sa mga donor na nais magbigay ng regalo sa Pangulo na mag donate na lang sa kanilang isinasagawang feeding program para mas marami pa ang matulungan.
Mababatid na maliban sa feeding program, iba’t ibang outreach activity pa ang ginawa kasabay ng birthday ng Pangulo.