Palasyo, nilinaw ang naunang pahayag na si Marcos lang ang na-met ni Biden sa UNGA

Humingi ng paumahin si Press Secretary Trixie Cruz Angeles kaugnay sa naunang pahayag na tanging si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang head of state na nakausap ni US President Joe Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly.

Sa isang pahayag, inamin ni Angeles na nagsagawa rin ng pulong si Biden sa iba pang lider, pero ito umano ay mga rescheduled discussions.

Paliwanag ni Angeles, na ang ibang mga meeting ni Pangulong Biden ay mga dati nang napagkasunduan, pero na naipagpaliban at itinuloy na lamang sa pagkakataon na ito.

Sa official website ng White House, makikitang nakipagpulong si Biden sa maraming lider kabilang na sina French President Emmanuel Macron, British Prime Minister Liz Truss, South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida noong Sept. 21, at kay Marcos naman noong Sept. 22.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *