Palasyo, OK sa pagbawi sa kontrol ng NGCP

Bukas ang Malakanyang sa panukalang pagbawi sa kontrol ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung kinakailangan.

Ayon sa Presidential Communications Office, sinabi umano ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bukas siyang siyasatin ang performance ng NGCP at gumawa ng nararapat na mga hakbang.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa gitna ng sunod- sunod na electric transmission system disturbances na ikinababahala ng mga mambabatas.

Dagdag pa ng PCO, sinang-ayunan din ni Marcos na magsagawa ng pag-aaral upang madetermina kung sino ang tunay na may kontrol sa korporasyon at malaman ang totoong sitwasyon sa NGCP. //LB edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *