Palasyo: Pag-aresto sa mga lalabag sa health protocol, susunod parin batas

Nilinaw ng Palasyo na ang mga aarestuhing indibidwal dahil sa hindi maayos na pagsusuot ng face mask at lalabag sa iba pang health protocols, ay susunod parin sa mga ordinansa at batas.

Dagdag ni Roque, ang kautusan ay saklaw rin para sa mga hindi nagsusuot ng maayos ng kanilang face shields at hindi sumusunod sa social distancing.

Paliwanag ng kalihim, kung walang local ordinance sa isang lugar, ang pagkulong sa isang violator ay maaring magtagal ng hanggang sa 12 oras, alinsunod umano sa nakasaad sa Revised Penal Code, at kung hindi kakasuhan ay kinakailangan pakawalan.

Sa huli, binigyang diin ng Palasyo na nais lang ipaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sumunod sa minimum health standards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *