Palasyo, patuloy na nakabantay sa sitwasyon ng mga lugar na apektado ng pag-ulan at pagbaha

Nagpapatuloy ang mahigpit na monitoring o pagbabantay ng Malacañang sa lagay ng panahon sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, partikular nilang tinututukan ang mga lugar na nakakaranas ng pagbaha at mga area na nagkakaroon ng landslide.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development partikular ang Central at Field Offices nito para sa pagbibigay ng mga kinakailangang tulong ng mga residenteng naapektuhan.

Meron na aniyang naka-standby na pondo na nagkakahalaga ng P849.5 million habang may mga nakaposisyon na rin na mga pagkain at iba pang mga pangangailangan na nagkakahalaga naman ng P169.18 million.

Bukod dito, sinabi rin ng opisyal na nagsagawa na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng pre-emptive evacuation sa iba’t – ibang lugar sa bansa.

Samantala, umabot na sa 3,316 na pamilya o katumbas ng 14,023 katao ang nailikas dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *