Palasyo, pinabulaanang nag-resign sa puwesto si Executive Secretary Bersamin

Pinabulaanan ng Palasyo ang ‘resignation-serye’ sa mga ‘little presidents’ ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay makaraang mapabalita ang ‘di umano’y pagre-resign na rin ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa puwesto.

Sa Viber message sa Malacañang reporters – sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang katotohanan ang resignation ni Bersamin.

Kung maaalala, mula nang maupo si Marcos – tatlong mga key-officials na ang nagsipag-bitiw sa puwesto.

Kabilang na rito ang dati niyang ES na si Vic Rodriguez, at si dating press secretary Trixie Cruz Angeles.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *