Palasyo sa pantry organizers: Kumuha ng approval mula sa LGUs para sa ECQ period

Pinayuhan ng Malacañang ang mga organizers ng community pantries na makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) kung plano umano ng mga ito na magsagawa ng humanitarian activities sa panahon ng two-week enhanced community quarantine (ECQ) period sa Metro Manila

Paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque, ang anyo kasi ng ECQ, ay lahat dapat homeliners maliban sa mga bibili o kukuha ng pangangailangan.

Sa gitna nito, naiitindihan rin ng pamahalaan ang kahalagahan ng humanitarian relief para doon sa mga wala talagang pambili ng pagkain.

Sakaling payagan ang mga organizers ng LGUs, dapat magtalaga ang mga local officials ng area ng pantry at ipatupad ang minimum health protocols. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *