Palaweñong OFW, ibinahagi ang pinagdaraanan sa bansang Israel

Ibinahagi ng isang OFW na Palaweño ang kasalukuyang kalagayan sa bansang Israel.

Ayon kay Vhobby Ermitanio residente ng Bgy. Panacan 2 Narra , Palawan na OFW sa Israel ,hindi mawala ang kanilang takot na nararamdaman dahil sa ilanag araw na pagpapakawala ng Palestinian militants ng rockets papunta sa Israel.

Ikinuwento nito ang kanyang nararanasang takot ngayon at lagi sila nananalangin na hindi makarating sa kanilang lugar ang mga rockets dahil sa girian sa pagitan ng Jewish Israelis at ng Arab minority sa nasabing rehiyon.

Kinumpirma nito na ligtas naman sila ngayon kasama ang iba pang mga Palaweño na nagtatrabaho sa Israel.

Nagpapatuloy rin ang air strikes ng Israel sa Gaza kung saan ay tinamaan nito ang six-storey residential building na kontrolado umano ng Hamas, na isang Islamist group na may hawak sa Palestinian enclave.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *