PALECO, Tumindig laban sa misinformation at disinformation, naninindigan sa kalidad ng serbisyo sa kuryente

Matatag umano ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa kabila ng mga hamon at paninira, at matatag sa pagtupad ng kanilang pangako na magbigay ng maaasahang at abot-kayang serbisyong elektriko sa kanilang mga Miyembro-Consumer-Owners (MCOs)., ayon sa kanilang press statement.

Kasama ang National Electrification Administration (NEA), Department of Energy (DOE), at Energy Regulatory Commission (ERC), determinado daw ang PALECO na labanan ang mga suliraning dulot ng pagtaas ng singil sa kuryente.

Mayroon din umano silang dedikasyon sa transparency at pananagutan sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinaharap.

Nananawagan ang PALECO sa publiko na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon at disimpormasyon na naglalayo sa katotohanan.

Ipinapakita ng kooperatiba ang kanilang determinasyon na labanan ang “hate campaigns” at panatilihing matatag ang kanilang operasyon.

Patuloy rin daw ipinapakita ng kooperatiba ang kanilang pangako na maghatid ng dekalidad na serbisyo sa kuryente para sa kanilang mga konsumer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *