Palengke sa Ukraine, nabalot ng tensiyon  matapos pasabugin; higit 17-katao, nasawi habang 33-katao ang nasugatan

NABALOT ng tensiyon ang mga mamimili matapos pasabugin ang bisinidad ng palengke ng payapang lungsod ng Kostyantynivka sa Ukraine na nagmitsa sa pagkakasawi ng 17 na katao kabilang ang isang bata habang aabot naman sa 33 na katao ang nasugatan dito. 

Binigyang diin ni Pangulong Volydymyr Zelensky na walang ginawang masama ang mga biktima nito at posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa nasabing insidente. 

Sa kasalukuyan, patuloy namang iniimbestigahan ng prosecutor-general ng bansang Ukraine ang mga posibilidad na may kaugnayan sa mahabang digmaan sa pagitan ng Russian Federation at kanilang bansa ang nangyaring pagsabog. 

Samantala, wala pa ring nilalabas na pahayag ang mga opisyal ng Russia na sila ang responsable sa nasabing pag-atake. ###Johnoah Mae A. Zepeda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *